to po ang pattern ng pag jojournal pag nag dedevotion.
Una po ay ang pag lalagay ng Date:Mahalaga po ito kasi dito makikita kung kelan natin ginawa ‘yong devotion.
Pangalawa po Title: Mahalaga po na nag lalagay tayo ng title para madali nating matandaan kung patungkol saan ang nilalaman ng ginawa nating devotion para sa araw na iyon.Pangatlo po Scripture: Ito po iyong passage ng Bible na may malinaw na mensahe ang Diyos, o may pangungusap ang Diyos sa atin. Pedeng isang passage lang. Hal. Matthew 6:33 – “But seek first the Kingdom of God and His righteousness and all these things will be added unto you!” o pede rin verse lang po. Kasi masyadong mahaba. Halimbawa, James 1:1-8. Ibig po sabihin, nakapaloob dito ang nilalaman ng mensahe ng Diyos para sa atin. Kapag ganito, minsan nilalagyan ko parin po ng key verse.
Message: Ito po iyong mensahe ng talata na naunawaan natin base sa ating nabasa. Maaari pong ang laman nito ay iyong context ng chapter na iyon. Ibig sabihin, saan ba patungkol iyon. Gawin po nating personal na mensahe ito ng Diyos na ipinaparating sa atin. Ito rin po ang tinatawag na RHEMA o sariwang kapahayagan ng Diyos (fresh manna) o tinatawag din na illumination ng mga kapahayagang naka sulat na sa Bibliya bilang pangungusap ng Diyos sa atin at pag tuturo ng Banal na Espiritu sa atin. Pede po natin itong simulan sa isang tanong, o pedeng isang kwento patungkol dito na maihahalintulad natin na nangyari sa ating buhay o mga karanasan, o kung ano ba ang pinatutungkulan ng mensaheng ito base sa salita ng Diyos. Sa akin po, mas gusto ko na mag sulat ng mga karanasan ko sa buhay base sa mensahe ng aking na basa na ipinaalala sa akin ng Diyos.
Promise: Ano ba ang mga pangako Niya sa akin base sa pag kakaunawa ko sa aking nabasa? Ano ba iyong sinasabi Niya sa akin na pede kong panghawakan na mag bibigay sa akin ng kalakasan para maharap ko at mapag tagumpayan ang mga bagay bagay sa mundong ito. Maaaring ang pangako ng Diyos ay isang Bible passage din na makikita natin maaring sa parehas na chapter o maaaring sa ibang passage ng Bible na nag papapakita ng pangako ng Diyos para sa atin base sa mensahe Niya sa atin. Ito po kasi ang magbibigay sa atin ng kalakasan at tayo ay magtitiwala sa Kanya dahil mayroon siyang pangako sa atin na ating panghahawakan.
Command: Ano ba ang nais ipagawa sa akin ng Diyos matapos kong mabasa at maunawaan ang kanyang mensahe sa akin? Dito natin makikita iyong mga dapat nating gawing pag tatama at pag sasaayos sa ating buhay. Halimbawa, ang talata ay patungkol sa pananalangin, “Nais ng Diyos na ako ay palangin manalangin!” Ibig sabihin, ang Diyos ay may iniuutos sa atin na dapat nating gawin.
Warning: Ano ang mga paalala ng Diyos sa atin kung sakaling itong mga bagay na ito ay di natin maisasakatuparan. May mga babala ang Diyos sa mensahe na hindi natin nagagawa. Pedeng itong general idea para sa lahat o personal na para sa atin. Ibig sabihin maaring hindi lang patungkol sa iyo, halimbawa, ang mensahe ay patungkol sa salvation o kaligtasan… since ligtas na tayo, ito ay patungkol sa babala sa hindi pa naliligtas. Halimbawa, “Kung ang isang tao ay hindi makakakilala sa Diyos at hindi pag haharian ng Diyos, ang taong ito ay mapaparusahan sa impyerno!” o kaya, maaaring may ipinakita sa atin ang Diyos na nakatagong kasalanan, o maaring inuutusan Niya tayong magpatawad, ang babala ng Diyos kung hindi natin ito magagawa, haharapin natin ang mga consequences na dulot nang di natin pag sunod.
Application: Ang nilalaman nito ay kung ano ang ating mga dapat gawin at dapat nating baguhin sa ating buhay base sa mensahe ng Diyos sa atin. Katugon ito nang Command. Kung ang pinapagawa sa atin ng Diyos ay manalangin, bilang tugon sa Kanyang mga utos, ito ang ating maaaring isulat - “Simula ngayong araw na ito, mag aaral na akong manalangin, at palagi na akong mananalangin sa Kanya!”
Ayan po ang pattern ng pag gawa natin ng Devotion. At dahil dito, makikita po talaga natin na ang Diyos ay nangungusap po sa atin ng personal. Magtiwala po tayo sa Kanya upang malaya Siyang makakilos sa ating buhay. Isa rin po itong hakbang para sa paglago natin sa pananalangin sapagkat ang laman ng ating panalangin ay ang nakasaad sa ating devotion.
Simulan po natin ang pakikipag niig sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin na Siya ay mangusap sa atin at mag tatapos din po tayo sa pananalangin at sambitin din po natin itong mga nabasa natin o natutunan natin mula sa Salita ng Diyos.